Lalaki, Arestado sa Pagpapasugal!

*San Mariano, Isabela- *Timbog sa pagsusugal ang isang lalaki matapos salakayin ng pinagsanib pwersa ng San Mariano Police Station at CIDG Isabela Provincial Field Unit sa Brgy Malabbo, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Stanley Beltran, 27 anyos, may-asawa, Bet Collector at residente ng Brgy. Zone 3, San Mariano, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, bandang alas nuebe kagabi nang magtungo ang mga alagad ng batas sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto ni Beltran dahil sa pagpapalaro ng Drop Ball.


Nakumpiska mula sa suspek ang isang Betting table, apat na betting boards, dalawang pingpong balls, dalawang plastic tray, isang funnel, at pera na nagkakahalaga ng mahigit walong daang piso.

Dinala sa CIDG PFU ang suspek para sa karagdagang dokumentasyon at disposisyon at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings.

Facebook Comments