PAGOD NA MAKIPAG-USAP| NPA, ikinumpara sa ISIS ni Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Ikinumpara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa international terrorist group na Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ang New People’s Army o NPA.

Kasunod ito ng ginawang pag-atake ng NPA sa militar na magdadala sana ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Urduja sa Samar.

Sa kaniyang talumpati sa Kampo Crame, sinabi ng pangulo na napapagod na siyang makipag-usap sa mga komunista.


Kasabay nito, inutusan naman ng pangulo ang mga sundalo na huwag na huwag magpapahuli ng buhay sa mga teroristang grupo.

Muli ring binanatan ni Duterte ang Commission on Human Rights at iginiit sa mga pulis na suportado niya ang mga ito.

Facebook Comments