Pagpabor ng SC sa Martial Law, nirerespeto nina opposition Senators Pangilinan at Aquino

Manila, Philippines – Bilang tanging sangay ng pamahalaan na may kapangyarihan pagdating sa mga isyung legal, ay nararapat lang na igalang ng lahat ang desisyon ng Korte Suprema na pumapabor sa deklarasyon ni Pangulong Duterte ng martial law sa buong Mindanao.

Ito ang inahayag nina opposition Senators Francis Kiko Pangilinan at Bam Aquino kahit hindi sila sang ayon sa nabanggit na pasya ng Supreme Court.

Diin ni Pangilinan, tama ang posisyon ng 3 mahistrado na dapat lang ilimita sa Marawi City ang pag-iral ng Martial Law.


Giit pa ni Pangilinan, sa pag-iral ng martial law sa Mindanao ay dapat matiyak ang proteksyon sa karapatang pantao at ang pag-iral ng hustisya.

Sabi naman ni Senator Bam, dapat magpatuloy ang suporta sa pakikidigma ng Armed Forces laban sa mga naghahasaik ng kasahasan sa bahagi ng Mindanao.

Kasabay nito ay nanawagan si Senator Aquino sa lahat na maging vigilant o mapagbantay at tumulong sa pagbibigay proteksyon sa karapatan ng mamamayan habang umiiral ang batas militar.

Facebook Comments