Pagpabor ni Pangulong Duterte sa mga bakuna ng Russia at China, walang pressure sa vaccine experts ng Pilipinas – DOH

Walang pressure para sa vaccine experts panel ng Pilipinas na magbigay ng preference sa COVID-19 vaccines na ginawa ng Russia at China.

Nabatid na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas gugustuhin niyang bumili ng bakuna mula sa nasabing mga bansa kapag napatunayan itong ligtas at mabisa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang lahat ng bakunang pumapasok sa Pilipinas ay kailangang dumaan sa regulatory process.


“Hindi naman. Walang pressure. Katulad ng sabi natin kung ano man ang dadating na bakuna dito sa ating bansa, it will go through the usual and our regular regulatory process,” sabi ni Vergeire.

Patuloy aniya na nakikipag-usap ang bansa sa iba pang vaccine developers para makakuha ng access ang Pilipinas sa iba pang potensyal na bakuna.

“Maraming pag-uusap na ginagawa tayo when it comes to the procurement of vaccines. As I’ve said, all efforts are being strengthened para tayo ay magkaroon ng posisyon para we can also access vaccines, “ dagdag pa ni Vergeire.

Facebook Comments