Iginiit ng minorya sa Kamara ang kahalagahan ng pagkapanalo ngayong halalan ng mga kandidatong may record sa pagtatanggol sa karapatang pantao.
Ang pahayag ng mga kongresista ay kasunod ng pagbasura ng Korte Suprema sa mga petisyong inihain laban sa Anti-Terror Law.
Ilan sa mga kongresista sa Makabayan Bloc ay petitioner ng batas at ikinalulungkot nila ang huling ibinabang desisyon ng Supreme Court.
Nababahala ang mga kritiko na dahil sa Anti-Terror Law ay mamamayagpag ang mga iligal na pag-aresto, mahabang detensyon na walang ligal na asunto o batayan sa pag-aresto at iba pang paglabag sa karapatang pantao.
Hudyat din umano ito ng pagbagsak ng human rights situation sa bansa na humihigit pa sa sitwasyon noong martial law.
Bunsod ng development na ito ay hinimok ng oposisyon ang publiko na piliin ngayong darating na 2022 eleksyon ang mga kandidato na may commitment at may track record na sa pagbibigay proteksyon sa karapatang pantao.