BAYAN NG CABAGAN, TANGING NAKAPAGTALA NG PANIBAGONG KASO NG COVID-19 SA ISABELA

19
Cauayan City, Isabela- Tanging ang bayan lamang ng Cabagan sa buong probinsya ng Isabela ang nakapagtala ngayong araw ng isang (1) panibagong kaso ng COVID-19.

Sa datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, bagamat nakapagtala ng isang kaso ang probinsya ay nananatili pa rin sa anim (6) ang aktibong kaso ng Isabela matapos na makarekober sa sakit ang isang pasyente.

Ang anim na natitirang kaso ay mula sa bayan ng Alicia, Cabagan, Cabatuan, Cauayan City, Reina Mercedes at Santiago City.

Mula sa 69,021 na tinamaan ng COVID-19 sa Isabela, 66,764 rito ang gumaling habang ang 2,251 naman ay naiulat na namatay.

Facebook Comments