Pagpangalan sa La Mesa Ecopark sa Gina Lopez Eco Park posible na

Nakuha na ang pagsuporta mula sa Bantay Kalikasan, City Legal Department, City Tourism Department at MWSS para sa panukalang pagpapalit ng pangalan ng La Mesa Ecopark sa Gina Lopez Eco Park sa QC.

 

Ito ang lumabas sa ginanap na pagdinig ng QC committee on Tourism.

 

Sinabi ni QC Councilor Winston Castelo na hihilingin na lamang nila sa La Mesa watershed Multi Sectoral Management Council ang suporta sa resolusyon.


 

Aniya, hindi matatawaran ang nagawa at legacy ni Lopez sa pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran  kayat nais bigyang pagkilala ito sa pag rename ng eco-park sa kanya.

 

Hindi na makakalinutan ang magandang naiambag ni  Lopez sa pagtulong sa pamahalaan na mapangalagaan ang kapaligiran  sa ating bansa.

Facebook Comments