Pagpangalan sa mga nararansang heatwaves, hindi kailangan – UN

Walang balak ang United Nations (UN) na pangalanan ang mga naitatalang heatwaves katulad ng pagpangalan sa mga bagyo.

Pahayag ito ng UN kasunod ng mga kinakaharap na heatwaves sa Europa ngayong linggo.

Ayon sa World Meteorological Organization, pinapangalan ang mga bagyo dahil sa nakakaapekto ito sa iba’t-ibang bansa sa kontinente habang ang heatwaves ay localized o sa iisang bansa lamang nararanasan,


Sa ngayon, tanging ang lungsod ng Seville sa Spain pa lamang ang nakapaglatag ng kanilang pilot scheme sa pagpapangalan dito.

Ang unang limang pangalan na itatawag nila sa mga heatwaves ay Zoe, Yago, Xenia, Wenceslao at Vega na magsisilbing early warning system sa kanilang mga residente.

Mababatid na pumalo sa higit 40 degrees Celsius ang naitalang temperature sa naturang lungsod ng Espanya.

Facebook Comments