Bilang ng bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa NCR, bumaba pa lalo sa 597

Bumaba pa lalo ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 597 new cases kahapon kumpara sa 769 na naitala kamakalawa.

Kaugnay nito, tanging Quezon City na lamang ang lugar sa NCR na higit 100 ang naitalang bago kaso ng virus na nasa 122.


Habang narito naman ang naitalang kaso sa iba pang bahagi ng Metro Manila:

Makati at Maynila – 70
Parañaque – 65
Pasig – 51
Mandaluyong – 40
Taguig – 37
Muntinlupa – 31
Las Piñas at Pasay – 30
Caloocan – 17
Marikina – 11
San Juan – 10
Valenzuela – 5
Pateros – 4
Malabon – 3
Navotas – 1

Facebook Comments