Pagpapa-deport sa dalawang swindler na Korean national na matagal nang wanted, pinaplantsa na ng Immigration

Manila, Philippines – Pinaplantsa na ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapa-deport sa dalawang Koreanong swindlers na matagal nang wanted sa Seoul, South Korea.

 

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga pugante na sina Lim Chae Beom, 63-anyos at son dae hyon, 45-anyos na una nang naaresto sa kawit, cavite noong isang linggo.

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong large scale fraud sa kanilang bansa.

 

Si Lim ay wanted matapos na tangayan ng halagang 210,000 US dollars ang dalawang kapwa Koreano mula noong November 2013 hanggang February 2014.

 

Habang 141,000 US dollars naman ang ninakaw ni Son sa isang Korean-owned construction firm na nakabase sa Vietnam noong October 2011.

Facebook Comments