Pagpapa-deport sa dayuhang nambastos sa isang pulis sa Makati, iginiit ng isang Senador

Pinakilos ni Senator Panfilo Ping Lacson ang Bureau of Immigration o BI para sa madaliin ang deportation proceeding sa isang dayuhan na nambastos sa isang pulis sa loob ng isang village sa Makati City.

Giit ni Lacson, wala dapat puwang ang pagiging arogante sa Enhanced Community Quarantine o ECQ na ipinapatupad para pigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Kapuri puri para kay Lacson ang pagpapatupad ng karamihan sa mga kasapi ng Philippine National Police o PNP sa ECQ gaano man ito kahirap.


Kaugnay nito ay ikinadismaya ni Lacson na umani pa ng kritisismo mula sa mga netizens ang police officer na umaresto sa dayuhan na nambastos sa kanya dahil edited o hindi kumpleto ang video na kumalat sa social media.

Dagdag pa ni Lacson, ang ipinagmamalaki ng dayuhan na pagiging investor nya at pagkakaroon ng 80 empleyado ay hindi nagbibigay sa kanya ng karapatan para komprontahin at kastiguhin ang isang opisyal ng PNP na tumutupad lang sa kanyang delikadong tungkulin.

Facebook Comments