Pagpapa-Dialysis, Pangunahing Dahilan ng Mataas ng Demand ng Dugo- PRC Isabela

*Cauayan City, Isabela- *Nilinaw ng Philippine Red Cross o PRC Isabela na hindi umano sa sakit na Dengue ang nakakapagpataas sa demand ng dugo ngayon dito sa lalawigan ng Isabela kundi ang mga may sakit sa kidney o mga pasyenteng nagpapa-dialysis.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni ginang Stephanie Cabrera, ang pinuno ng PRC Isabela na mas marami umano ngayon ang k aso ng mga pasyenteng may sakit sa kidney na nagpapasalin ng dugo kumpara sa mga pasyenteng may dengue.

Bagamat tag-ulan ngayon ay hindi naman umano ganun karami ang kaso ng Dengue dito sa lalawigan ng Isabela dahil napaghandaan na umano ng mga Isabelino ang ganitong kaso sa pamamagitan ng kanilang paglilinis sa kanilang mga bakuran.


Ayon pa kay ginang Cabrera na isa sa mga dahilan kung bakit maraming kaso ng mga nagpapadialysis ay dahil sa mga kinakaing Process foods kung saan halos araw-araw umano na may mga nagpapasalin ng dugo.

Hinihikayat naman ngayon ni ginang Cabrera ang lahat ng mga gustong magdonate na dugo na magtungo lamang sa mga tanggapan ng PRC upang makatulong sa ibang tao na nangangailangan ng dugo.

Facebook Comments