Manila, Philippines – Umapela si Senator Loren Legarda salahat, lalo na sa mga Disaster Management Agencies, Local Government Units atmga community leaders, na paigitingin pa ang paghahanda sa lindol.
Ang panawagan ng Senadora ay matapos ang serye ngpagyanig na naramdaman sa ilang lalawigan sa Southern Luzon at sa Metro Manila nitongmga nakaraang araw.
Giit ni Legarda, walang nakakaalam kung kelan magaganapang lindol kaya mahalaga na ang lahat ay preparado sa lahat ng oras.
Makakamit aniya ito kung magkakaroon ng regular safetydrills na magtuturo sa mamamayan kung ano ang dapat gawin kapag may lindol.
Bagamat dagdag gastos, ay pinayuhan din ni Legarda anglahat na magpaayos ay magpatibay ng kanilang pag aaring mga gusali, tahananpara manatiling matatag sa mga kalamidad.
Pinayuhan din ni Legarda ang mga LGUs at barangay leadersna ihanda na ang ligtas na lugar na maaring pagdalhan sa kanilang mga residentekapag may lindol o iba pang kalamlidad.
Idinagdag pa ni Legarda ang kahalagahan ng paglalatag ngepektibong early warning system ay mas pinalawak na Massive Information and EducationCampaign para ipanatid sa lahat ang sapat na kaalaman at tamang hakbang kapag maykalamidad tulad ng lindol.
Pagpapa-igting ng kahandaan sa lindol, iginiit ni Sen. Legarda
Facebook Comments