Suportado ng siyensya ang datos na nagsasabing hindi maaaring pabilisin ang pagbibigay ng 2nd dose.
Sa presscon sa Malacañang, sinabi ni Dr. Nina Gloriani, ng Department of Science and Technology Vaccine Expert Panel, na hindi solusyon sa containment ng Delta variant ang pagpapaiksi ng interval ng vaccine doses.
Ani Gloriani, tulad sa Sinovac, napatunayang mas mataas ang antibody levels kapag 28 days ang interval ng 1st at 2nd dose kumpara sa 14 days.
Pasok din ang hanggang 3 buwang interval sa Sinovac at mas makapagbibigay pa nga ito ng mas mataas na antibodies.
Aniya, kapag pinaiksi ang interval, bagama’t tataas ang antibody sa katawan ay mabilis din aniya itong bababa kung mamadaliin.
Marami na rin aniya ang mga pag-aaral ang nagsasaad na mas tumataas ang antibody level ng isang indibidwal kung mas matagal ang pagitan sa una at ikalawang dose nito ng bakuna.
Sa ngayon, 21 araw ang pagitan ng 1st at 2nd dose ng Pfizer, 28 days naman sa Sinovac habang ang AstraZeneca at Sputnik ay pupwede hanggang 12 linggong agwat mula sa una at ikalawang dose.