Iginiit ni Senator Koko Pimentel na hindi tama at hindi nakatwiran na gawing kondisyon ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 para sa pagbibigay ng ayuda sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Paliwanag ni Pimentel, ang layunin ng programa ay tulungan ang mga mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tulong-pinansyal.
Diin ni Pimentel, may mga nakapaloob na ditong kondisyon tulad ng regular na pagpapa-check ng mga bata sa health centers.
Diin ni Pimentel, ang mga kondisyong nakapaloob sa 4Ps ay tinalakay na sa simula pa lang o bago pa ito pondohan.
Bunsod nito ay iginiit ni Pimentel na ang pagdaragdag ng panibagong kondisyon sa program ay dapat munang aprubahan ng mga kinatawan ng mamamayang Pilipino.
Facebook Comments