Pagpapabakuna, mahalaga sa laban sa COVID-19 – Testing Czar

Iginiit ni Testing Czar at National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon na importante ang pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Dizon, mahalaga ito para maabot ang target na 50% ng populasyon sa katapusan ng taon.

Kapag naabot aniya ang halos 50 milyong Pilipinong mababakunahan, unti-unti nang babalik sa normal ang pamumuhay ng lahat.


Pagtitiyak ni Dizon na may sapat na supply ng bakuna para sa lahat ng mga Pilipino.

Halimbawa aniya sa Israel, bumaba ng 60% ang COVID-19 infections sa kanila sa loob lamang ng tatlong linggo nang isagawa ang vaccination.

Batay sa ulat ng ‘Times,’ nakita ang mabilis na pagbaba ng hospital admissions sa Israel matapos ikasa ang pagpapabakuna.

Facebook Comments