Mga lumalabag sa mass gatherings ngayong pandemya, dapat parusahan – DOH

69

Nararapat lamang na mapanagot ang mga lumalabag sa mass gathering restrictions.

Ito ang pahayag ng Department of Health (DOH) matapos mabatikos ang mga celebrities na sina Raymond Gutierrez at Tim Yap matapos kumalat ang mga litrato at video online na nagsagawa sila ng party at binalewala ang health protocols.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroong patakarang ipinatutupad ngayong may banta ng COVID-19 at ang mga lumalabag dito ay dapat mapatawan ng sanction.

Hinimok ni Vergeire ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na tiyaking mahigpit na ipinapatupad ang guidelines.

Muling iginiit ng DOH na bawal pa rin ang anumang mass gatherings sa ilalim quarantine guidelines at patuloy silang makikipagtulungan sa mga government agencies para sa maayos na pagpapatupad ng protocols.

Patuloy ring ipapaalala ng DOH ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum public health standards at quarantine o isolation protocols.




Facebook Comments