Kumpiyansa ang National Task Force against COVID-19 (NTF) na masisimulan sa susunod na buwan ang pagpapabakuna ng limang priority sectors.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., apat na milyong doses ng COVID-19 vaccines ang inaasahang darating sa Mayo.
Kapag dumating on-time ang mga bakuna, pwede nang simulan ang immunization sa essential workers (A4), at indigent population (A5).
Sa ngayon, binabakunahan pa lamang ang mga healthcare personnel (A1), senior citizens (A2) at persons with comorbidities (A3).
Nakatuon ang pagpapabakuna sa Metro Manila, CALABARZON, Central Luzon, Western Visayas, Cebu, Zamboanga Peninsula at Davao.
Facebook Comments