Maaaring simulan sa kalagitnaan ng Mayo ang pagpapabakuna sa A4 Priority Group ng National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.
Nabatid na in-update ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang A4 Group kung saan kinabibilangan na ito ng mas maraming manggagawa mula sa iba’t ibang essential industries tulad ng media, food, beverage, pharmaceutical at transportation.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, posibleng maumpisahan ang pagpapabakuna sa priority group lalo na at inaasahang dadating sa bansa ang karagdagang supply ng COVID-19 vaccines.
Bukod dito, hinimok ni Nograles ang mga Local Government Unit (LGU) na magsumite ng listahan ng mga taong kwalipikadong tumanggap ng bakuna sa ilalim ng A4 priority group.
Facebook Comments