Pagpapabasura ni PRRD sa VFA, ipinagtanggol ng isang senador

Buo ang suporta ni Senator Christopher Bong Go sa pagiging desidido ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipabasura ang Visitang Forces Agreement o VFA sa pagitan ng Amerika At Pilipinas.

Pahayag ito ni Go sa kabila ng isinusulong na resolusyon ng liderato ng senado na naglalahad ng sense of the senate para kumbinsihin si Pangulong Duterte na bigyang-daan muna ang isinasagawang pag-aaral ng senado sa VFA.

Paliwanag ni Go, karapatan ng kanyang mga kasamahang senador na magpahayag ng pananaw sa usapin at ang nabanggit na resolusyon ay isang mungkahi na naglalayong baguhin ang isip ni Pangulong Duterte laban sa VFA.


Nang tanungin kung boboto sya pabor sa nabanggit na resolusyona ay sinabi ni Go na ang itinatakda ng batas ang kanyang susundin kung saan susuportahan nya ang pangulo kung sasabihin ng batas na maari nitong tuldukan ang VFA.

Importante din para kay Go na naipapaitindi ni Pangulong Duterte sa Amerika at mga US senators na mali ang ginagawa nilang panghihimasok sa ating soberenya at pakikialam sa sistema ng hudikatura sa ating bansa.

Para kay Go, isang insulto din ang ginawa ng Amerika na pagkansela sa visa ni Senator Ronald Bato Dela Rosa na gumanap lang sa kanyang tungkulin bilang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) na kasamang nanguna sa pagpapatupad ng gera kontra ilegal na droga.

Facebook Comments