Manila, Philippines – Ikinakabahala ni Senator Sonny Angara ang isyu ngayon sa pagitan ng
Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Transport Network Vehicle Services o TNVS tulad ng Grab at Uber.
Ayon kay Angara, dapat makahanap na ng solusyon ang magkabilang panig upang hindi maapektuhan ang publiko na tumatangkilik sa Uber at Grab.
Giit ni Angara sa pamahalaan, madaliin ang mga proyekto na magpapabuti sa public transport system.
Ipinaliwanag ni Angara, na kaya dumarami ang Grab at Uber-riders ay dahil sa nakakadismayang kapalpakan ng mga tren ng MRT at LRT.
Dagdag pa aniya ang ilang mapag-samantalang taxi drivers na tumatangging o namimili ng pasahero at walang-pakundangang naniningil ng dagdag pasahe maliban sa itinakda ng metro.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558