Tatlong bus terminal sa EDSA na lumalabag sa Nose In, Nose Out Policy, ipapasara na – pitong iba pa, bibigyan ng closure order

Manila, Philippines – Ipasasara ngayong araw ang nasa sampung bus terminals sa kahabaan ng EDSA na lumabag sa ‘Nose-In, Nose-Out’ Policy ng MMDA.

Ayon kay MMDA Chief of Staff Jojo Garcia – mag-i-issue sila ng “closure order” laban sa mga sumusunod:

DLTB
Lucena Lines
Raymond Transportation
Saint Rafael Transport Lines
Our Lady of Salvacion Bus Line
Jam Liner
Victory Liner
Dimple Star
Roro Bus Line
Super Lines
Napag-alaman rin aniyang walang permit ang mga ito.
Sa ngayon Quezon City lang aniya ang kanilang iinspeksyunin pero isusunod na rin nila ang ibang terminal sa Metro Manila.


Facebook Comments