Pagpapabuwag sa Bureau of Customs, pinag-iisipan na ng ilang mga kongresista

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng ilang mga lider ng Kamara ang pagpapabuwag sa Bureau of Customs.

Ito ay kaugnay sa kinasangkutang kontrobersyal ng BOC tungkol sa pagpapalusot sa 6.4 Billion na halaga ng shabu.

Ayon kina House and Ways Committee Chairman Dakila Cua at Visayan Bloc Leader Albee Benitez, itutulak nila ang pag-abolish sa ahensya para malinis na ito sa mga tiwali at anumang iregularidad.


Sinabi ni Cua na posibleng irekomenda nila ang abolition ng BOC kung lalabas sa kanilang imbestigasyon ang lawak ng korapsyon at katiwalian.

Dagdag ni Cua na mabigat na ang testimonya ni Customs Broker Mark Taguba lalo’t kinumpirma nito na tumatanggap ng suhol ang ilang matataas na opisyal ng BOC.

Hindi naman pinangalanan ni Taguba kung sinu-sino ang mga tumatanggap ng suhol sa mga dumadaan na shipment sa ahensya pero ilan sa mga ito aniya ay nasa mismong pagdinig ng Kamara.

Para naman kay Benitez, batid naman na noon pa ay umiiral na ang korapsyon sa BOC kaya panahon na para magkaroon ng bagong ahensya ng Customs para mabago din ang lahat ng opisyal at kawani na bubuo ng tanggapan.

Facebook Comments