Pagpapadala ng Benchmarking Team sa Tatlong Bansa, Pinag-aaralan ng Provincial Government ng Quirino

Cauayan City, Isabela-Hinihintay na lamang ng Provincial Government ng Quirino ang magiging tugon ng mga kinatawan ng bansang Japan para sa magsasagawa ng webinar series na layong mapahusay ang larangan ng edukasyon ngayong nalalapit ang pasukan sa Agosto 24.

Batay sa virtual State of the Province Address, sinabi ni Governor Dakila Carlo ‘DAX’ Cua na ang paraan na ginagawa ng bansang Japan ay epektibo matapos itong tularang gawin ng iba pang bansa gaya ng Singapore at South Korea.

Ito ay bahagi pa rin ng ginagawang pagpapalawig ng lesson study program ng Schools Division Office ng Quirino sa pagtuturo ng reading at social science subject.


Ipagpapatuloy din aniya ang Teachers Development Program sa pamamagitan ng scholarship at training assistance.

Pinag-aaralan din ng probinsya na magpadala ng benchmarking team sa bansang Japan, Singapore at South Korea para pag-aralan ang iba pang best practices ng mga bansa sa usapin ng edukasyon.


Facebook Comments