Pagpapadala ng Doctors to the Barrios sa Cebu City, gagawin nang boluntaryo

Gagawin nang boluntaryo ng Department of Health (DOH) ang pagpapadala ng Doctors to the Barrios (DTTB).

Ito ang tugon ng DOH matapos silang mabatikos dahil sa kautusang pansamantalang ilipat ang rural health physicians mula Regions 6 at 7 sa mga pribadong ospital sa Cebu City para mapalakas ang COVID-19 response.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inamiyendahan nila ang kautusan hinggil sa deployment ng DTTB para wala nang isyu.


Pero iginiit ni Vergeire na ginamit nila ang Doctors to the Barrios Program dahil kinakailangan ang lahat ng available na health workers lalo na at nasa public health emergency ang bansa.

Plano sana ng DOH na inisyal na magpadala ng 40 doktor mula DTTB patungong Cebu City sa apat na batch at gagawing two-week ang kanilang rotation, pero inalmahan ito ng ilang grupo.

Sa huling datos ng Cebu City Health Department, aabot na sa 5,494 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod, 2,723 ang gumaling, at 169 ang namatay.

Facebook Comments