Ipinahinto ng Pilipinas ang pagpapadala ng Filipino migrant workers sa Israel sa harap ng nangyayaring kaguluhan doon.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, itutuloy pa rin nila ang pagproseso sa aplikasyon ng mga nais magtrabaho sa Israel pero hindi muna sila ide-deploy.
Aniya, hihintayin muna ng DOLE ang go signal ng Department of Foreign Affairs (DFA) bago alisin ang deployment ban.
Nabatid na nasa 400 Pinoy caregivers ang nakatakda sanang ipadala ng bansa sa Israel ngayong Mayo.
Facebook Comments