Manila, Philippines – Pinoproseso na ng Commission on Election (Comelec) ang pagpapadala ng mahigit isang milyong marking pen na gagamitin sa May 13 election.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, 12 piraso ng marker pen ang ibibigay sa kada clustered precinct.
Wala aniyang nakikitang problema sa mga bagong marker pen dahil sinuri ito nang maigi at sumunod sa mga hininging requirement.
Kumpara aniya sa orihinal na marking pen, manipis ito at hindi agad natutuyo ang tinta sa papel.
Tiniyak rin ni Jimenez na binawi na ang orihinal na marking pen at inilagay sa kustodiya ng elections officers.
Facebook Comments