Pagpapadala ng household service workers sa Kuwait – posibleng ipagbawal muna

Manila, Philippines – Posibleng i-ban ng Pilipinas angpagpapadala ng household service workers sa Kuwait.
  Kasunod na rin ito ng pambubugbog hanggang sa umanoymapatay ng kanyang mga amo ang pinoy household worker na si AmyCapulong-Santiago nitong Enero.
  Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello – dahil sa dumaramingreport sa pagmamaltrato sa mga household workers, pinag-aaralan na nila angposibleng pag-ban ng bansa sa pagpapadala ng mga pinoy DH.
  Ito ay inihayag ni Bello habang nasa Kingdom of Bahrainpara sa state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes Santo.
  Samantala, sa pagharap sa Filipino community sa Bahrain,inanunsyo ng pangulo na matutuloy na ang pagtatatag ng Department of OFW.
  Sa state visit ni Pangulong Duterte, apat na officialagreements at isang private agricultural investment sa Mindanao nanagkakahalaga ng 250-million US dollars ang pinirmahan ng Pilipinas at ng Bahrain.
 
   

Facebook Comments