Pagpapadala ng mga Chinese doctor sa Pilipinas, pinag-uusapan na ng China at Pilipinas

Pinag-uusapan na sa China ang pagpapadala ng mga Chinese doctor sa Pilipinas na tutulong at magbabahagi ng kanilang expertise laban sa COVID-19.

Ayon kay Embassy of the Republic of the Philippines in China Ambassador Jose Santiago Sta. Romana, meron ng medical team sa China ang inihahanda para maipadala sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Nakipag-usap na rin siya kay Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin at pina-plantsa na ang hakbang na ito.


Kasabay nito, inihayag ni Sta. Romana na ang lockdown, early detection at early isolation ang sikreto ng China kung bakit bumaba ang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Naging maagap din, aniya, ang gobyerno ng China sa pagtatayo ng designated COVID-19 hospitals kung saan inihihiwalay ang may mga mild & severe symptoms ng COVID-19.

Facebook Comments