Pagpapadala ng mga nurse at healthcare worker sa ibang bansa, sinuspinde ng POEA

Hindi muna papayagan ng gobyerno na makaalis sa bansa ang mga newly hired nurse, nursing aide at nurse assistant ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Kasunod ito ng ipinatupad na temporary suspension ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa pagpapadala ng mga nurse at healthcare worker sa ibang bansa.

Sa inilabas na advisory ng POEA nitong ika-1 ng Hunyo, sinabi ni POEA Chief Bernard Olalia na naabot na ng bansa ang taunang deployment ceiling na 5,000 health care workers.


Suspendido rin pati ang pagproseso ng overseas employment certificate.

Pero ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, papayagang makaalis ng Pilipinas para sa kanilang trabaho ang mga health worker na nakakuha na ng overseas employment certificate.

Ang paglimita sa bilang ng makakaalis na health workers ay dahil pa rin sa kakulangan ng medical professionals sa Pilipinas sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments