APAT NA MANGINGISDA SA SUAL, HULI DAHIL SA ILIGAL NA PANGINGISDA

16

SUAL, PANGASINAN – Hinuli ng otoridad ang apat na kalalakihan sa bayan ng sual matapos itong maaktuhan iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng Brgy. Baybay Norte.

Ang apat na nakilalang sina Jovel Agang, 35 anyos, Marcelino Gulani, 57 anyos at parehong residente ng Sitio Pag-asa, Brgy Poblacion, Sual.


Nahuli din si Joel Cabillan, 51 anyos, mula sa Paitan East at si Jerome Gomias, 38 anyos residente naman ng Portside, Brgy. Poblacion.

Sila ay nahuli matapos magreport sa bantay dagat na di umano’y may nangingisda gamit ang ipinagbabawal na mga paraan tulad ng paggamit ng fine mesh net o may maliliit na butas.

Nakuha mula sa mga ito ang isang motorized banca, mga lubid, fishing net at mga isda na tinatayang tumitimbang ng walong kilo at nagkakahalaga ng limang daang piso.

Sa kustodiya na ngayon ng pulisya ang mga nahuli maging ng mga nakumpiska sa kanila at sila ay haharap sa kasong paglabag sa RA 8550 o ang paggamit ng Destructive Fishing Gear in Fishing.



Facebook Comments