Manila, Philippines – Pinaplansta na lamang ng Department of Labor and Employment ang mga mekanismo upang maipadala sa China ang mga OFWs na nagnanais sanang magtrabaho o pinauwi mula sa Kuwait.
Ito ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ay dahil target ng pamahalaan na gawing alternatibong destinasyon ang China para sa mga OFWs na pinauwi sa Pilipinas, kasunod na rin ng total deployment ban na in-issue ng Labor Department.
Ayon kay Bello, posibleng ngayong Pebrero o sa Marso, lalagda ng bilateral agreement ang Pilipinas at China para sa deployment ng mga OFWs doon.
Sa kasalukuyan, nangangailangan ngayon ng libo libong mga guro sa China at household workers.
Ayon pa sa kalihim, bukod sa China target rin ng pamahalaan ang Russia bilang alternatibony destinasyon para sa mga OFWs.