Ipinag utos na ni US President Donald Trump ang pagpapadala ng dagdag pwersa ng militar na tutulong sa pag depensa ng Saudi at United Arab Emirates (UAE).
Lumalabas sa imbestigasyon ng USA na Iran ang nasa likod ng pag-atake sa Saudi Aramco.
Ayon kay Trump, ang hakbang na ito ay upang magbigay ng mensahe sa Iran na suportado ng US ang kanilang mga kaalyadong bansa.
Ayon kay Defense Secretary Mark Esper, nakahanda na raw ang Pentagon na pabilisin ang pag-deliver ng military equipment sa dalawang bansa upang paiigtingin pa ang kanilang abilidad na protektahan ang kani-kanilang rehiyon.
Nauna nang nagbabala ang Iran na nakahanda silang makipag giyera kung sakaling maglunsad ng pag-atake ang US o Saudi Arabia.
Matatandaang dalawang oil facility ng State-Owned Company Aramco sa Saudi Arabia ang binomba gamit ang drone.