Pagpapadala ng note verbale sa China matapos ang insidenteng pagkuha ng Chinese Coast Guard ng “unidentified floating object” ng Philippine Navy sa Pag-asa Island, ipinag-utos na ni PBBM sa DFA!

Inutos na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Department of Foreign Affairs (DFA) na magpadala ng “note verbale” sa China matapos ang pwersahang pagkuha ng Chinese Coast Guard ng “unidentified floating object” ng Philippine Navy sa Pag-asa Island.

Kinumpirma ni Pangulong Bongbong Marcos na tinawagan na niya ang ating military attaché sa Chinese Embassy para kuhanin ang nasabing ulat, kung saan lumabas na hindi nagtugma ang pahayag ng Chinese Embassy sa report na ipinadala sa kaniya mula sa Philippine Navy.

Kaya naman, nanindigan ang pangulo na paniniwalaan niya kung ano ang ulat na ipinadala sa kaniya ng Philippine Navy.


Kasunod nito, iginiit ni PBBM na kailangan agad na maayos ang naturang isyu, na kung saan isa ito sa naging dahilan kung bakit pumayag siya sa alok ng China na bumisita doon sa susunod na taon.

Dagdag pa ni Marcos Jr., sa mga ganitong isyu ay mahalaga na mairesolba agad sa pagitan ng ating gobyerno at ng China.

Kailangan aniya magkaroon ng mekanismo para hindi na maulit ang naturang pangyayari.

Una nang inirekomenda ni National Security Adviser (NSA) Secretary Professor Clarita Carlos sa pamahalaan na maghain ng “note verbale” sa China matapos ang nangyaring insidente.

Facebook Comments