Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pansamantala munang sinuspinde ang pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa bansang Israel sa gitna na rin ng kaguluhan na nangyayari sa pagitan ng Israel at grupo ng Hamas at iba pang armadong militante sa Palestine.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III na bagama’t may mga OFW na naproseso na ang mga dokumento at nakatakda sanang umalis, hindi na sila matutuloy dulot ng naturang panganib sa Israel.
Paliwanag ng kalihim, may pakikipag-ugnayan aniya sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) para matiyak na ligtas ang mga OFW na magpunta ng Israel bago alisin ang suspension sa deployment o pagpapadala doon.
Dagdag pa ni Bello, wala pang katiyakan kung hanggang kailan ang nasabing suspensyon habang mayroon pang nangyayaring bakbakan sa nabanggit na bansa ay hindi muna sila magpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa Israel.