Manila, Philippines – Nilimitahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapadala ng mga skilled worker gaya ng electrician, welder at tubero sa ibang bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nagkakaroon na kasi ng kakulangan ng mga skilled worker dito sa Pilipinas dahil karamihan ay sa ibang bansa na nagtatrabaho.
Gayunman, aminado si Bello na walang aasahang dagdag sahod ang mga skilled worker sa Pilipinas.
Aniya, bahala na ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board na magdesisyon kung magkano ang dagdag sahod na ibibigay kada taon.
Facebook Comments