Pagpapadala ng video message sa United Nations, hindi pinagsisisihan ni Vice President Leni Robredo

Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ni Vice President Leni Robredo na wala siyang sinasabi na pitong-libong drug suspects na ang napapatay partikular sa war on drugs ng gobyerno.

 

Kasunod ito ng akusasyon ni PNP Chief Ronald Dela Rosa kay Robredo hinggil sa pagbibigay ng maling impormasyon sa ipinadala nitong video message sa United Nations.

 

Kasabay nito, nanindigan ang Bise Presidente na ang nakuha niyang datos ay mula sa mapagkakatiwalaan at independent sources.

 

Una rito, sinabi ni Robredo na ini-snob lang ng PNP at ni Interior Sec. Mjike Sueno ang request niyang makahingi ng datos kaugnay sa drug war.

 

Muli ring iginiit ni Robredo na hindi paninira sa bansa ang ginawa niyang pagsusumbong sa UN at wala siyang pinagsisisihan dito. 



Facebook Comments