Pagpapadali sa civil annulment ng mga mag-asawang sumailalim sa church annulment, inihain sa kamara

Sa halip na diborsyo sa bansa, isinusulong sa Kamara nila House Majority Leader Martin Romualdez at Tingog Siniragan Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez ang pagpapabilis na lamang ng civil annulments ng mga mag-asawang sumailalim sa church annulment.

Layunin ng inihain na House Bill 1157 na kilalanin ang civil effects ng church annulment upang maging madali at hindi na dumaan sa isa pang mahabang prosesong sibil ang mga mag-asawang nagdesisyong maghiwalay.

Nakasaad sa panukala na ang mga pari, pastor, imam o rabbi na nagdadaos ng kasal sa kanilang simbahan ay may kapangyarihan din na mag-solemnize o magdaos ng kasal na ginagarantiyahan naman ng estado.


Ibig sabihin, ang nullification o annulment of marriage na ginawa sa simbahan ay direktang mai-aapply na sa civil annulment.

Ang paghahain ng panukala na ito ay kasunod na rin ng reporma na ginawa ni Pope Francis sa marriage-nullify cases.

Tinukoy pa ng mag-asawang Romualdez na sa ilalim ng Family Code of the Philippines, kinikilala ang kasal na isinagawa sa ilalim ng batas ng simbahan.

Facebook Comments