Cauayan City, Isabela- Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang pagpapadaloy ng tubig sa mga irrigation canal na nasasakupan ng NIA-MARIIS para sa pagsisimula ng pagpupunla at pagtatanim ng mga magsasaka.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr. Carlo Ablan, Division Chief ng Dam and Reservoir ng NIA-MARIIS, napatubigan na aniya ang ilan sa mga lugar na sakop ng NIA MARIIS na kung saan ay wala namang naging problema sa kanilang pagpapatubig na sinimulan noong Lunes, May 9, 2022.
Kanyang sinabi na sapat ang supply ng tubig sa Magat Dam Reservoir para sa kanilang continues na pagpapatubig hanggang sa mapatubigan lahat ang mga nasasakupang bukirin sa probinsya.
Dahan-dahan lamang yung kanilang pagpapakawala ng tubig para hindi mabigla o masira ang daluyan ng tubig na matagal ng natuyo.
Samantala, nasa 189.50 meters ang water elevation ng Magat Dam ngayon kung saan maituturing pa ring mataas ang lebel.
Facebook Comments