Pagpapadeport sa presidential adviser na si Michael Yang, hindi valid – Malakanyang

Walang valid na dahilan ang Senate Blue Ribbon Committee na ipa-deport ang dating presidential adviser na si Michael Yang.

Kasunod ito ng rekomendasyon ni Senator Richard Gordon matapos mabenepisyuhan si Yang ng bilyong piso mula sa COVID-19 response funds ng gobyerno.

Ayon kay Roque, hindi napatunayan ng Senado na akusado sa kasong kriminal si Yang kaya hindi ito dapat ipa-deport.


Una nang sinabi ni Gordon na dapat sampahan ng patong-patong na kaso ang mga nasa likod ng Pharmally.

Unang-una na rito si Yang na pumondo sa Pharmally habang estafa ang dapat ikaso kina Pharmally Executives Krizle Mago at Mohit Dargani.

Bukod sa kanila, pinakakasuhan din ng samu’t saring kaso ang iba pang Pharmally at dating Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) officials.

Facebook Comments