Sinabi niya ito sa isinagawang Orientation on Community on Service Oriented Policing o CSOP System at bilang pagsuporta rito ay lalo nitong bibigyan ng pansin ang paggawa ng mga proyekto at programa para sa progreso ng Siyudad.
Ikinatuwa naman nito ang pagkakaroon ng MOA Signing sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno tulad ng NAPOLCOM tungo sa iisang hangarin na magkaroon ng maunlad at payapang komunidad.
Isa kasi aniya sa mga tinitignan ng mga investors o gustong magpatayo ng negosyo ay ang kaayusan at katahimikan sa lugar.
Kaya naman suportado nito ang mga programa ng kapulisan na nagpapanatili ng peace and order sa Lungsod para sa mas ligtas at payapang pamumuhay ng mga Cauayeño.
Iginiit pa ng alkalde na ang kaayusan at katahimikan ay hindi lang laban ng kapulisan kundi laban ng lahat ng mamamayang Cauayeño sa pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang komunikasyon at pagkakaisa.