BLOODLETTING ACTIVITY, IKAKASA NG C-H-O NGAYONG ARAW

Magsasagawa ngayong araw ng Bloodletting activity ang Cauayan City Health Office (CHO) 1 na gaganapin sa FLDY Coliseum dito sa Lungsod ng Cauayan.

Sa ating panayam kay Medical Technologist Arlyn Daggao ng CHO 1, isaang daang bags ng dugo ang kanilang target na malikom kaya hinihikayat ang lahat na gustong magdonate ng dugo na magtungo lamang sa nasabing venue.

Magsisimula ang blood donation mamayang alas otso ng umaga at matatapos ito hanggang alas dose ng tanghali.

Kabilang naman sa kanilang mga inimbitahang ahensya at organisasyon na inaasahang magdodonate ng kanilang dugo ang mga miyembro ng Regional Training Center o RTC 2, DILG, POSD, LGU Cauayan at mula sa ilang pribadong sektor.

Samantala, mabibigyan naman ng freebies ang mga blood donors at isasali rin ang mga ito sa gagawing raffle promo.

Facebook Comments