Pagpapaganda ng Manila Bay sa gitna ng kinahaharap ng krisis ng bansa, tinawag na insensitibo ni Vice President Leni Robredo

Tinawag na insensitibo ni Vice President Leni Robredo ang proyekto ng Department of Environment and National Resources (DENR) na pagandahin ang Manila Bay sa gitna ng kinahaharap na krisis ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa Biserbisyong Leni ng RMN Manila, sinabi ni Robredo na dinami-raming problema ng bansa, hindi dapat ito unahin ng gobyerno.

Mas marami kasi aniyang dapat pagtuunan ng pansin tulad ng pagpapabuti ng healthcare system sa bansa, sapat na suplay ng pagkain at pagtulong sa mga komunidad na naapektuhan ng pandemya.


Facebook Comments