MANILA – Ikinatuwa ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpapaganda ng relasyon ng Pilipinas at China.Sa pagbisita sa bansa, sinabi ni Abe na ang usapin sa South China Sea ay banta sa pandaigdigang kapayapaan, kaya natutuwa ito sa naging inisyatiba ng Pangulong Duterte kaugnay sa mga pinag-aagawang teritoryoSa pamamagitan ng kanyang interpreter, binigyan diin ng Japanese Prime Minister ang suporta nito sa desisyon ng international arbitral tribunal na pumabor sa Pilipinas sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.Samantala, upang mabigyan naman ng seguridad ang alyansang Pilipinas-Japan sa ASEAN pacific region, inihayag ng Tokyo na lalahok ito sa susunod na balikatan exercises sa bansa.
Pagpapaganda Ng Relasyon Ng Pilipinas At China, Ikinatuwa Ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe
Facebook Comments