Ilang Partylist Congressmen, Tinuligsa Ang Gabriela Sa Pagkontra Sa Miss U

15

MANILA – Sinopla ng ilang mga party list congressmen ang grupong gabriela matapos ang pagkontra ng mga ito sa gaganaping miss universe 2017 sa bansa.Ayon kay pba pl rep. Mark aeron sambar, walang anumang bansa na pinagdausan ng pageant ang nag-isip na mistulang binabastos ang mga kababaihan.Aniya, kahit may sariling opinyon ang gabriela, giit ni sambar, masyadong “far-fetched” o napakalayo naman ng mga katwiran ng mga ito na naabuso sa ganitong pageant ang mga kababaihan.Para naman kay ang edukasyon rep. Salvador belaro, sadya lamang may bias ang gabriela.Habang pinayuhan ni abs rep. Eugene michael de vera ang gabriela na tingnan ang positibong aspeto ng pagdaraos ng miss universe pageant sa bansa dahil tiyak na magpapalakas ito ng turismoSamantala, nasa 53 na mula sa 87 kandidata sa miss universe 2016 pageant ang nasa bansa na at patuloy pa ang pagdating ng mga ito sa susunod na mga araw.

Facebook Comments