Pagpapagawa at pag-upgrade ng mga ospital ng gobyerno, dapat ipagpatuloy kahit matapos ang pandemya

Iginiit ni Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go sa national at Local Government Units na ipagpatuloy ang pagpapagawa ng mga bagong ospital at ang pag-upgrade o pagpapalakas sa kapasidad ng mga nakatayo nang ospital sa buong bansa.

Sabi ni Go, kailangan itong gawin kahit patuloy ang pagbaba ng bilang ng tinatamaan ng COVID-19 at kahit matapos na ang pandemya.

Paliwanag ni Go, ito ay para matugunan ang mataas na pangangailangan sa serbisyong medical sa bansa at upang maging handa na tayo sakaling tumindi muli ang COVID-19 cases o magkaroon ng bagong krisis pangkalusugan.


Ayon sa senator, dahil sa pagsasantabi sa kakayahan ng ating health care system ay nahirapan tayo ng magsimula ang COVID-19 pandemic.

Bunsod nito ay biniyang diin ng senator na ang pagtatayo at upgrading ng mga ospital ay hindi dapat ituring na gastos at pabigat kundi pamumuhunan para sa kalusugan.

Facebook Comments