Secretary William Dar, hindi muli haharap sa pagdinig ng Senado ukol sa smuggling

137

Alas-dyes ngayong umaga ay magpapatuloy ang ikatlong pagdinig ng Senado ukol sa smuggling ng mga agricultural products tulad ng gulay, prutas, karne at bigas.

At katulad sa nakaraang una at ikalawang pagdinig ay hindi umano muling makakadalo si Agriculture Secretary William Dar.

Sa pinakahuling abiso na natanggap ng Senado, ay magpapadala na lang daw ng maraming kinatawan si Dar sa Senate hearing.


Hindi humarap si Dar sa mga pagdinig na ginawa ng Senado noong Pebrero at Marso dahil may dinaluhan itong pagtitipon.

Sa pagdinig ngayon ay aabangan kung papangalanan na ang umanoy malalaking tao na sangkot sa smuggling.

Magugunitang sa nakaraang pagdinig ay sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Federico Laciste na may mga high level na personalidad umano ang tumawag sa kanya ukol sa natisod nilang smuggling noon.



Facebook Comments