Pagpapagawa ng mga imprastrakturang pang transportasyon puspusan na kabilang ang MRT 7 at international airports ayon sa DOTr

Nasa 60% na ang natatapos sa Manila Metro Rail Transit System (MRT) 7.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Usec. Timothy John Batan na target nilang magkaroon ng tinatawag na demonstration run sa MRT 7 sa 2023.

Ang full operations naman aniya nito ay tinitingnan kung mangyayari sa 2024 hanggang 2025.


Sinabi ni Batan, sa kasalukuyan ay tuloy ang delivery ng mga tren at ang konstruksyon sa linya.

Sa mga paliparan naman, sinabi ni Batan na kasama sa prayoridad ng administrasyong Marcos ang pagtatayo ng bagong international airport o ang New Manila International Airport sa Bulakan, Bulacan.

Makikipag-ugnayan din aniya sila sa provincial government ng Cavite dahil sa kanilang panukala para sa Sangley International Airport.

Dagdag pa ni Batan, pinag-aaralan na rin nila ang pagtatayo ng paliparan sa Zamboanga, Dumaguete, Masbate at Bukidnon.

Layunin aniya nito na magkaroon ng mas ligtas at mas malawak na abot ang mga paliparan at para makapag-accommodate na rin ng mas maraming flights at pasahero.

Facebook Comments