Manila, Philippines – Karamihan sa mga Pilipino angnagpapahalaga pa rin sa kanilang buhay ang relehiyon.
Batay sa pinakahuling Survey ng Social Weather Stations –lumabas na 85 percent ng mga respondents ang nasabi na “very important” angrelihiyon para sa kanila.
Ang natitirang 15 percent naman ay nagsabi na “not at allimportant” ang relihiyon sa kanila.
Isinagawa ang nasabing survey noong Marso 25 hanggang 28sa loob ng 1,200 adults respondents sa buong bansa sa pamamagitan ngface-to-face interviews.
Nakasaad din sa nasabing survey na 48 percent ngrespondents ang dumadalo ng misa kada linggo.
Ang natitirang 34 percent naman ay buwanan kung dumalo ngmisa, habang 17 percent naman ang nagsabing paminsan-minsan lang.
Pinakamarami sa mga dumadalo sa weekly religious servicesay mula sa Iglesia ni Cristo sa 90 percent.
Sunod sa kanila ay mga Muslim sa 81 percent, Christianssa 71 percent at mga Katoliko sa 41 percent.
Pagpapahalaga sa relihiyon – pangunahing prayoridad pa rin ng mga pinoy, ayon sa SWS survey
Facebook Comments