Pagpapahinto ng pag-aangkat ng bigas sa ilalim ng Government to Government Rice Importation Scheme, pabor sa DA

Pabor ang Department of Agriculture (DA) sa desisyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na ipahinto muna ang planong pag-aangkat ng bigas sa ilalim ng Government to Government Rice Importation scheme.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, aabot sa ₱8.5 bilyong ang matitipid ng gobyerno sakaling kanselahin ang importasyon ng bigas.

Magagamit din aniya ang pondong ito para mapalakas pa ang produksyon ng mga produktong pang-agrikultura sa bansa, at makapag-aangkat na rin ang mga pribadong sektor.


Matatandaang inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pag-aangkat ng tatlong-daang libong (300,000) metriko tonelada ng bigas, matapos supindihin ng Vietnam ang rice importation nito dahil sa COVID-19.

Facebook Comments